PANITIKAN NG BANSANG PRANSYA (FRANCE)
Ang Bansang France (Pransiya) Ang Republika ng Pranses o Pransiya sa Ingles ay (France), ay isang bansa sa Europa na bahagi ng Unyong Europeo. Nabibilang ito sa isa sa mga pinakamalaking bansa sa Europa. Ito ay isang demokratikong bansa. Ang Pransya, sa Kanlurang Europa, ay sumasaklaw sa mga lungsod ng medieval, mga nayon ng alpine at mga beach sa Mediterraneo. Ang Paris, ang kabisera nito, ay sikat sa mga fashion house, klasikal na museo ng sining kabilang ang Louvre at mga monumento tulad ng Eiffel Tower. Kilala rin ang bansa sa mga alak at sopistikadong lutuin. Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia, na ang ibig sabihin ay “Lupain ng mga Prangko”. Matagal nang naging pandaigdigang sentro ng sining, agham, at pilosopiya ang Pransiya.Ang panitikang Pranses ay ang panitikan ng Pransiya o, sa pangkalahatan, ang panitikang nakasulat sa wikang Pranses, partikular na ng mga mamamayan ng Pransiya, kah...